Bagong BSP coins kinikilala na ng mga self-service ticket machines ng MRT at LRT

By Cyrille Cupino April 18, 2018 - 04:41 AM

BSP Photo

Tumatanggap na ng mga bagong design na barya ang ticket machines ng MRT at LRT.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), mababasa at kinikilala na ng machines ang mga bagong disenyong barya na inisyu ng Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP) kamakailan.

Ayon sa DOTr, inabot ng tatlong buwan ang proseso ng recalibration ng kumpanyang AF Payments, Inc. na naka-base sa Manchester, United Kingdom.

Paliwanag ng kagawaran, sumailalim pa sa firmware development at serye ng software testing ang mga machines.

Nagpaalala rin ang DOTr na maaring bumili ang mga mananakay ng MRT at LRT 1 and 2 ng single-journey tickets at BEEP Cards sa mga teller sa kahit anong istasyon upang maging mas madali ang kanilang pagbiyahe gamit ang mga tren.

TAGS: BSP coins, LRT, MRT, BSP coins, LRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.