PBA legends magtatapatan para sa isang charity event

By Justinne Punsalang April 18, 2018 - 03:14 AM

PBA Photo

Tiyak na magsasaya ang mga PBA fans sa magaganap na tapatan ng mga PBA legends sa September 2018.

Ito ay dahil maghaharap ang San Miguel Beer at Alaska, at Ginebra at Purefoods para sa charity project ng Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas.

Ang magaganap na laro sa September 9 o 16 ay isang fund raising project kung saan lahat ng malilikom na pera ay mapupunta sa trust fund para naman sa mga dating PBA players na naghihirap ngayon sa buhay.

Inaasahang kasama sa mga maglalaro sina Johnny Abarrientos, Ato Agustin, Marlou Aquino, Hector Calma, Jeffrey Cariaso, Jerry Codinera, Bad David, Ramon Fernandez, Bong Hawkins, Vince Hizon, Noli Locsin,at Chito Loyzaga.

Samantala, ang naturang organisasyon ay pinangungunahan ni Atoy Co na siyang founding president ng samahan.

Ani Co, lahat ng mga dating PBA players ay imbitado sa magaganap na reunion game.

TAGS: basketball, legends, PBA, Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas, basketball, legends, PBA, Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.