Tatlong suspek sa ‘guns for hire’ patay sa shootout sa Maguindanao

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 17, 2018 - 10:05 AM SHARE(S):

Nasawi sa shootout ang tatlong hinihinalang guns for hire sa Maguindanao.

Ayon kay Supt. Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang Police, sakay ng motorsilo ang tatlo nang parahin sa checkpoint sa Barangay Gumagadong Calawag.

Sa halip na huminto, bumunot ng baril ang dalawa sa mga suspek at saka pinaputukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo.

Ayon kay Jambiran kinila ang mga suspek na sina Abib Sarotsong, Acero Kibad at Todto Pangalian, na pawang residente ng Barangay Liong sa bayan ng Barira.

Lumitaw sa imbestigasyon na sangkot ang tatlo sa illegal drug trade at serye ng pagpaslang kabilang na ang pagpatay sa isang babae at isang dating opisyal ng barangay.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril at mga bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: checkoiunt, Parang Maguindanao, Radyo Inquirer, shootout, checkoiunt, Parang Maguindanao, Radyo Inquirer, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.