WATCH: Dela Rosa, hindi makikialam sa pagtatalaga ng police directors ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde

By Mark Makalalad April 17, 2018 - 08:58 AM

‘Bahala ka na’

Ito ang sambit ni outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde sa pagtatalaga ng mga police directors na makakasama nya sa kanyang pamumuno.

Ayon kay Dela Rosa, oras na ni Albayalde at ibinibigay nya na ang buong kapangyarihan dito sa pagmamando ng PNP.

Wala rin aniya siyang rekomendasyon na ginawa kung sino ba ang nararapat na pumuno sa babakantahing pwesto ni Albayalde sa National Capital Region Police Office.

Dagdag pa ni Dela Rosa, ano mang movement na gagawin ni Alabayalde ay suportado nya at nakakatiyak sya na para ito sa ikabubuti ng kanilang hanay.

Una nang lumutang ang mga pangalan nina QCPD Director Guillermo Eleazar, CIDG Director Roel Obusan at Director Camilo Cascolan ng Directorate for Operations ng PNP na susunod na magmamando sa NCRPO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NCRPO, Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer, ronald dela rosa, NCRPO, Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer, ronald dela rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.