Trump, ‘morally unfit’ sa pwesto ayon sa sinibak na FBI chief

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 17, 2018 - 06:59 AM SHARE(S):

“Morally unfit” umano si US president Donald Trump bilang presidente ng Estados UNidos ayon kay dating FBI director James Comey.

Sa isang panayam sinabi ni Comey, hindi siya kumbinsido sa kritisismo na mentally incompetent si Trump o dumaranas ng early stage ng dementia.

Pero mas kumbinsido umano sya na morally unfit ito para maging pangulo.

Ani Comey, bilang presidente, dapat ay mayroon itong respeto at nagpapakita ng maayos na values.

Pinakamahalaga aniya ang maging tapat at totoo sa lahat ng pagkakatao na hindi niya nakikitang ginagawa ni Trump.

Si Comey ay sinibak sa pwesto ni Trump noong May 2017.

Ilang beses ding binanatan ni Trump si Comey dahil sa ginawang imbestigasyon ng FBI sa naging proseso ng eleksyon sa US.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, FBI, james comey, morally Unfit, Radyo Inquirer, donald trump, FBI, james comey, morally Unfit, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.