Apat na mamahaling sasakyan ni Floyd Mayweather, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2015 - 07:17 PM

floyds-burnt-cars-03a-480w-1
Mula sa TMX Sports

Natupok ang apat na mamahaling sasakyan na umano ay pag-aari ng boxer na si Floyd Mayweather.

Sa report ng TMX sports, ang tatlong sasakyan ni Mayweather ay ibibiyahe mula Las Vegas patungo ng Miami sakay ng trailer truck na pag-aari din ng boksingero noong October 7, ala una y medya ng madaling araw.

Habang nasa biyahe, pagsapit sa Phoenix, Arizona ay bigla na lamang umanong umapoy ang mga sasakyan.

Walang naisalba at nasunog ang apat na mamahaling sasakyan kabilang ang trailer, at ang isang Bentley at dalawang Rolls Royce ni Mayweather.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng apoy, pero ayon sa Arizone State Troopers, wala namang nasaktan sa insidente.

TAGS: FloyrMayweather, FloyrMayweather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.