Malakanyang, pinawi ang pangamba na baka matulad ang ibang isla sa Boracay

By Len Montaño April 17, 2018 - 03:49 AM

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba na baka matulad sa Boracay ang mga karagatan sa isla ng Mactan sa Cebu at isla ng Panglao sa Bohol.

Pahayag ito ng palasyo kasunod ng ulat na kontaminado umano ng dumi ng tao ang dalawang isla.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon ng wastewater facility sa ilalim ng Panglao Airport.

Hindi anya naging problema sa Panglao ang basura at dumi ng tao dahil naging operational ang pasilidad.

Wala namang ideya si Roque kung mayroong centralized water treatment facility sa Mactan.

Pero tiniyak nito sa publiko na gagawin ng Department of Environment and Natural Resources na sumusunod ang lahat ng resorts sa batas na dapat ay mayroon silang sariling wastewater treatment facility.

TAGS: boracay, mactan, Malakanyang, Panglao, boracay, mactan, Malakanyang, Panglao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.