Babaeng nagpakamatay sa isang mall sa QC, kinilala na

By Jong Manlapaz April 17, 2018 - 12:03 AM SHARE(S):
Courtesy of QCPD PS 2

Kinilala na ang babae na nagpakamatay sa loob ng SM North EDSA Annex sa pamamagitan ng pagtalon sa ikaapat na palapag at bumagsak

Ayon kay Col. Lito Mantala, Station Commander, mismong ang kaanak ng biktima ang kumilala sa babae na si Girlie Mercado 47 years old na taga Navotas city.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng QCPD Police Station 2 at base sa kwento ng mga kaanak ang ginang ay dumadanas ng postnatal depression, isang uri ng mood disorder na iniuugnay matapos manganak ang isang babae.

Ang sintomas ng karamdamang ito ay nagdudulot sa isang babae ng matinding kalungkitan, panghihina, iritable, pag-iiyak, pagkabahala at pagbabago ng oras ng tulog o pagkain.

Nalaman din nila Col. Mantala na halos kapapanganak lang din ng biktima kaya may kalakihan ang tiyan nito.

Naulila ng biktima ang apat nitong anak at ang kanyang asawa.

 

TAGS: suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.