Sotto: Media organizations dapat magtulungan laban sa fake news

By Jan Escosio April 16, 2018 - 06:07 PM SHARE(S):

Hinikayat ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang mga organisasyon ng mainstream media na makipagtulungan sa Facebook para mapigilan ang pagkalat ng mga fake news.

Tiwala si Sotto na malaki ang maitutulong ng mga lehitimong organisasyon ng media sa paglaban kontra sa mga pekeng balita na nagiging viral sa social media.

Binanggit ni Sotto ang National Press Club, Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas, Publishers Association of the Philippines at National Union Journalists of the Philippines.

Giit nito kung marami ang nagbabantay sa mga fake news mas malaki ang posibilidad na hindi na kakalat pa ang mga ito.

Naniniwala rin si Sotto na ang tamang impormasyon ang mabisang pantapat sa mga fake news lalo na sa online market.

TAGS: faje news, KBP, media, national press club, Sotto, faje news, KBP, media, national press club, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.