AFP, katuwang na ng PNP sa Comelec checkpoints

By Chona Yu April 16, 2018 - 11:40 AM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagde-deputize ng Armed Forces of the Philippines sa kanilang mga tauhan bilang mga law enforcer sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na gagawin sa May 14.

Sa memorandum number 21, inaatasan ngpangulo ang AFP na makipag-ugnayan sa Commission on Elections paratiyaking magiging maayos ang halalan.

Magugunitang pinagtibay ng Comelec noong March 20 ang kanilang en banc resolution number 10207 na i-deputze ang AFP para sa law enforcement sa panahon ng halalan.

Dahil dito, magiging katuwang na ng Philippine National Police ang AFP sa pagsasagawa ng checkpoint alinsunod sa Comele en banc resolution noong March 20.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.