2 pulis, sinibak ng QCPD matapos makatakas ang binabantayang suspek

By Rohanisa Abbas April 16, 2018 - 07:41 AM

FILE

Sinibak sa pwesto ang dalawang baguhang pulus matapos makatakas ang suspek na inaresto nito.

Ayon kay Quezon City Police District director Cheif Supt. Guillermo Eleazar, mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis.

Batay sa ulat ng QCPD, dinala nina PO1 Jayson Landayan at PO1 Randy Yape ang dalawang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office para sumailalim sa inquest proceedings.

Ibabalik na sa Novaliches police station ang dalawang suspek sakay ng police mobile na minamaneho ni Landayan. Sa likuran naman nakaupo si Yape kasama ang dalawang suspek.

Pinabukas ng suspek na si Jhan Jhan Abacian ang bintana ng police mobile para umano dumura.

Lingid sa kaalaman ng dalawang pulis, natanggal ni Abacian ang kanyang posas at tumalon sa bintana ng sasakyan habang mabagal ang takbo nito sa gitna ng traffic sa Quirino Avenue.

Si Abacian ay inaresto noong April 12 sa buy-bust operation matapos mahulihan ng walong sachet ng shabu.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang suspek.

TAGS: drug suspect, Pulis, QCPD, drug suspect, Pulis, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.