LPA na nasa labas ng PAR, inaasahang papasok sa susunod na 48 oras

By Rhommel Balasbas April 16, 2018 - 03:47 AM

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low-pressure area na binabantayan ng Pagasa.

Gayunman, ayon sa weather bureau, maliit ang tyansa na maging ganap itong bagyo at hindi rin tatami sa kalupaan ng bansa.

Sa pinakahuling pagtaya ng Pagasa, namataan ang LPA sa layong 1,465 kilometro sa Silangan ng Mindanao.

Bagaman nasa labas PAR ay makakaapekto ang trough o extension nito sa Silangang bahagi ng Mindanao partikular sa Caraga at Davao region.

Mararanasan ang makulimlikm na kalangitan na may pagkulog at pagkidlat na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa natitirang bahagi naman ng bansa, patuloy na iiral ang Easterlies na magdadala ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.