Oscar-winning film director Milos Forman, pumanaw na

By Angellic Jordan April 15, 2018 - 10:43 AM SHARE(S):
Inquirer file photo

Pumanaw na ang Oscar-winning film director na si Milos Forman sa edad na 86.

Ayon sa kaniyang kaibigan at agent na si Dennis Aspland, sinabi ng asawa ng Czech-born director na si Marina Forman ang pagpanaw ng tanyag na direktor sa Danbury Hospital malapit sa kanilang tahanan sa Warren, Connecticut kaninang umaga.

Batay pa sa ulat, sinabi rin ni Martina na nakapiling ng yumaong direktor ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan hanggang sa huling hininga ni Milos.

Sa kaniyang official Facebook page, makikitang pinalitan ng kulay itim ang kaniyang display photo at cover photo na may kasamang petsa ng kaniyang kapanganakan at pagkamatay.

Nagparating naman ng pakikiramay ang ilang hollywood actors na sina Antonio Banderas at Jim Carrey sa kanilang Twiiter accounts.

Nakilala si Forman sa kaniyang direksyon sa mga pelikulang “One Flew Over the Cuckoo’s Nest” at “Amadeus.”

TAGS: "Amadeus", "One Flew Over the Cuckoo's Nest", film director, Milos Forman, "Amadeus", "One Flew Over the Cuckoo's Nest", film director, Milos Forman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.