Adamson tinalo ang UST sa UAAP Women’s volleyball

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 06:37 AM SHARE(S):

Mamamaalam na ang Adamson University Lady Falcons sa tatlo nitong volleyball players.

Ngunit tinapos nito ang kanilang karera bilang Lady Falcons sa masayang pagkapanalo kontra sa University of Santo Tomas Golden Tigresses matapos ang kanilang tapatan para sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament na ginanap sa Blue Eagle Gym.

Sina Jema Galanza, Mylene Paat Fhen Emnas, at Jellie Tempiatura ang mga seniors na lilisanin na ang koponan.

Sa iskor na 25-6, 25-23, at 25-23 pabor sa Lady Falcons ay natapos ang kanilang season sa pamamagitan ng kanilang 6-8 win-loss record. Habang 4-10 naman ang win-loss record ng UST.

Ayon kay Adamson coach Air Padda, bittersweet ang naging pagtatapos ng karera nina Galanza, Emnas, at Tempiatura dahil bagaman nagwagi sa huling laro ay hindi naman sila nakapasok sa Final Four.

Samantala, si Eli Soyud ang nanguna para sa Lady Falcons sa kanyang 14 points; habang si Cherry Rondina naman ang para sa UST na nagtala ng 15 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.