Pelikulang ‘Die Beautiful’ wagi sa UK Film Festival

By Justinne Punsalang April 15, 2018 - 06:30 AM SHARE(S):

Muli na namang umani ng pagkilala ang pelikulang ‘Die Beautiful’ sa international film fest.

Nanalo ng Best Feature award ang nasabing pelikula sa naganap na Newcastle International Film Festival sa United Kingdom mula March 29 hanggang April 1.

Hindi na halos mabilang ang mga pagkilalang ibinigay sa ‘Die Beautiful’ sa loob at labas ng Pilipinas na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros na gumanap bilang isang transgender woman.

Kasama rin sa naturang pelikula si Christian Bables at idinerehe ni Jun Robles Lana noong 2016 para sa Metro Manila Film Festival.

Dahil sa tagumpay ng ‘Die Beautiful’ ay ginawan ito ng TV spin-offna ‘Born Beautiful’ na ipapalabas sa Cignal TV ngunit makakasama na dito ni Paolo si Martin Del Rosario.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.