Coach Freddie Roach, nasaktan sa biglaang pag-itsapwera sa kanya ni Pacquiao

By Rhommel Balasbas April 15, 2018 - 04:29 AM

INQUIRER File Photo

Kinumpirma na ni Coach Freddie Roach ang ulat na tapos na ang kanyang papel bilang trainer ni Manny Pacquiao.

Matatandaang inanunsyo ng manager ni Pacquiao na si Michael Koncz na ang bestfriend nitong si Buboy Fernandez na ang kanyang magiging tagapagsanay para sa kanyang nakatakdang laban kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur sa July 15.

Ayon kay Roach, naging makabuluhan ang naging pagsasama nila ni Pacquiao sa loob ng ng 15 taon at mas mahaba pa nga anya ito sa pagsasama ng ilang mga kinasal.

Hindi anya niya ito maipagpapalit at hangad niya anya ang makabubuti para kay Pacquaio sa boxing ring at maging sa pulitika.

“Manny and I had a great run for 15 years — longer than most marriages and certainly a rarity for boxing… I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best.” ani Roach.

Gayunman, inamin naman ni Roach na nasaktan siya ng tawagan siya ni Pacquiao upang sabihing hindi na siya ang magiging trainer nito.

“I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that.” dagdag pa niya.

Si Roach ang naging kasama ni Pacquiao sa loob ng 15 taon at isa sa mga naging susi para makilala ang Filipino boxing star sa kanyang larangan sa buong mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.