Sarah G., ipinagdiwang ang ika-15 taon sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert

By Rhommel Balasbas April 15, 2018 - 02:26 AM SHARE(S):

Nagdiriwang ngayong taon ng kanyang ika-15 anibersaryo sa showbiz industry ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Dahil dito, idinaos niya “This 15 Me” concert sa Araneta Coliseum na kagabi at dinagsa ng kanyang libu-libong fans.

Jampacked ang Araneta Coliseum tulad nang inaasahan matapos masold-out ang tickets sa nasabing pagtatanghal.

Makapanindig-balahibo at pinalakpakan ang naging opening number ni Sarah G. matapos niyang awitin ang kanyang single na “Dulo”.

Sa videos naman na ipinost ng Viva Entertainment, hiyawan ang sumalubong sa performances ni Geronimo kasama ang kanyang guests na sina Daniel Padilla at James Reid.

Kabilang pa sa mga special guests ay sina Billy Crawford, Mark Bautista at Xian Lim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.