Jessie J, inimbitahan si KZ Tandingan sa kanyang finale performance sa ‘Singer 2018’

By Rhommel Balasbas April 14, 2018 - 03:25 AM

Bagaman hindi na opisyal na kasali sa mga contestants ay muling nakaapak si KZ Tandingan sa entablado ng top-rating singing competition sa China na ‘Singer 2018’.

Ito ay matapos imbitahan ni British pop superstar Jessie J si KZ at ang isa pang dating contender ng patimpalak na si Coco Lee, isang American Singer para kantahin ang kanyang hit song na “Bang Bang”.

Ang naturang performance ay bahagi ng finale kung saan kailangang magtanghal ng natirirang contestants kasama ang kanilang mga kaduet na sila mismo ang pipili.

Inawit ni KZ ang rap part ng kanta na orihinal na binigyang buhay ni Nicki Minaj.

Matatandaang noong March 16 natanggal sa kompetisyon si KZ ngunit may isang beses niyang na natalo si Jessie J sa isang episode nito.

Sa isang panayam, sinabi ni KZ na masaya siyang makadaupang palad ang idolong si Jessie J at para na rin anya siyang nanalo.

Viral ngayon sa social media ang video ng performance nina Jessie J, KZ at Coco Lee na mayroon nang higit 1.2 million views at halos 100,000 reactions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.