MRT nakapagtala ng ikalawang aberya ngayong araw; mga pasahero naglakad sa riles

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 08:08 PM

Naitala ang ikalawang aberya sa biyahe ng MRT-3 matapos makaranas ng problema ang isa nitong tren ngayong gabi.

Sa abiso ng DOTr, nakaranas ng train failure ang isang tren kaninang alas 7:10 ng gabi.

Bumaba ang mga pasahero sa pagitan ng Boni at Shaw Boulevard stations at saka naglakad sa riles patungo sa istasyon.

Ayon sa pamunuan ng MRT3 kadalasang luma nang electrical sub-components ang dahilan ng electrical failure sa motor ng tren.

Kaninang umaga nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa matapos na magkaproblema ang pintuan ng isang tren.

TAGS: MRT, train failure, MRT, train failure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.