Davao City Mayor Sara Duterte tutol sa sa muling pagbabalik ng peace talks sa CPP-NPA

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 07:32 PM

Nais ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na ikunsidera muli ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya nitong bumalik sa negotiating table ang pamahalaan at ang National Democratic Front of the Philippines.

Sa kaniyang statement, sinabi ni Mayor Duterte na ang pakikipagnegosasyon sa mga komunista ay walang saysay.

Kahit aniya muling buhayin ang pag-uusap tiyak aniyang itutuloy ng NPA ang kanilang paghahasik ng kaguluhan at paglulunsad ng terorismo laban sa pwersa ng gobyerno at mga sibilyan.

Wala din aniyang indikasyon na ipinakikita ang mga komunista na sila ay magiging sinsero sa peace talks kung ang pagbabasehan ay ang mga nagaganap sa Davao City.

Noong Holy Week, sinunog ng mga miyembro ng NPA ang mga heavy equipment sa Davao City na ginagamit sa P1.3-billion road project ng Department of Public Works and Highways.

Dahil aniya sa nasabing insidente, nabinbin ang proyektong road construction na makatutulong sana sa komunidad.

Pinaalala din ni Mayor Sara kay Pangulong Duterte ang pagpatay sa tindero ng isda na si Larry Buenafe nang atakihin ng mga rebelde ang Lapanday Food Corporation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, NPA, peace talks, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Davao City, NPA, peace talks, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.