Zark’s Burger-Lyceum tinalo ang CEU sa 2018 PBA D-League

April 13, 2018 - 01:20 AM

Wagi ang koponan ng Zark’s Burger-Lyceum kontra Centro Escolar University (CEU) sa kanilang naging tapatan sa Ynaers Sports Arena para sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Natapos ang laro sa iskor na 82-77 pabor sa Jawbreakers.

Ayon sa coach ng koponan na si Topex Robinson, sa halftime ng laban ay pinaalalahanan niya ang mg manlalaro ng Zark’s Burger-Lyceum na i-enjoy lamang ang laro.

Pinangunahan ni Jayvee Marcelino ang koponan matapos makapagpasok ng 17 points, na sinundan ni MJ Ayaay na nakapagtala naman ng 15 points. Hindi rin nagpahuli si Mike Nzeusseu sa kanyang 12 puntos.

Para sa CEU, si Rod Ebondo ang nakapagtala ng pinakamaraming baskets matapos magbigay ng 22 puntos.

Sunod na makakaharap ng Jawbreakers ang Marinerong Pilipino para sa best-of-three semifinals na magaganap sa Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.