Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at Mariel Rodriguez nagsama-sama sa isang playdate

April 13, 2018 - 12:43 AM

Tila nagkaroon ng mini-reunion ang mga dating “Pinoy Big Brother” host matapos magsama-sama ang mga ito sa isang playdate kasama ang kanilang mga anak.

Dala ni Toni Gonzaga si baby Seve, habang si baby Lucia naman ang dala ni Bianca Gonzales, at bitbit ni Mariel Rodriguez si baby Maria Isabella.

Makikita sa kani-kanilang Instagram post na masayang naglalaro ang kanilang mga anak habang nagpapadausdos sa mini-slide.

Kwento ni Mariel, hindi talaga sila magka-kwentuhan nina Toni at Bianca dahil sa kalikutan ng mga bata.

Tinawag pa ni Bianca ang mga baby na mga apo ni Kuya, matapos makilala silang tatlo na “Kuya’s Angels.”

Samantala, nakatanggap naman ng ilang negatibong komento ang litrato ng mga bata kung saan makikita na busy ang mga ito sa kani-kanilang mga gadget.

Depensa ni Toni, hindi naman palagian ang paglalaro ng kanilang mga baby sa mga gadget.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.