1 bilanggo patay matapos magwala ang mga kasama sa Pasay City Jail

By Justinne Punsalang April 12, 2018 - 03:06 AM

Pasay Male Detention Facility

Namatay ang isang bilanggo, habang kasalukuyan pang nagpapagaling sa ospital ang pitong iba pa, matapos magkagulo ang mga lalaking inmates sa Male Detention Cell ng Pasay City Jail.

Kinilala ang nasawing bilanggo na si Domingo de los Santos na mayroong kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Police Chief Inspector Rogelio Hernandez Jr., bandang alas-10:30 ng gabi nang biglang magsagawa ng noise barrage ang 105 mga inmate. Nang lumaon ay nagsimulang magkagulo ang mga ito.

Dahil sa masikip na kulungan at mainit na panahon ay nawalan ng malay ang walong mga bilanggo.

Agad na rumespunde ang Pasay Rescue Team upang dalhin ang mga inmate sa Pasay City General Hospital para lapatan ng lunas. Ngunit idineklarang dead on arrival si de los Santos.

Makalipas ang halos 30 minuto ay na-kontrol na ng mga otoridad ang mga nagwawalang bilanggo.

TAGS: inmate, noise barrage, Pasay City Jail, Pasay Male Detention Facility, inmate, noise barrage, Pasay City Jail, Pasay Male Detention Facility

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.