2 BIFF patay, 2 pa sugatan sa engwentro sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas April 11, 2018 - 11:52 AM

Patay ang dalawang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang sugatan ang dalawa pang miyembro nito sa “focused military operations” ng militar laban sa rebeldeng grupo sa Maguindanao.

Ayon kay Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, bineberipika ang pagkakakilanlan ng casualties.

Sinimulan ng militar ang operasyon kontra BIFF noong April 9. Target nito ang mga myembro sa ilalim ng Bungos faction sa mga barangay Pamalian at Pagatin sa bayan ng Saydona Mustapha.

Sa tatlong oras na bakbakan kahapon, nasugatan naman ang dalawa sa panig ng militar.

Narekober ng militar ang 20 samu’t saring armas kabilang ang mga matataas na kalibre. Sinira rin nila ang dalawang makina sa paggawa ng baril, at ang kuya ni Abu Nasria.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BIFF, maguindanao, BIFF, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.