Xian Gaza ipinagkibitbalikat ang mga warrant of arrest dahil sa investment scam

By Justinne Punsalang April 11, 2018 - 12:20 AM

Tila tinatawanan lang ng self-proclaimed CEO na si Xian Gaza ang mga kasong nakasampa laban sa kanya na may kaugnayan umano sa investment scam nito.

Naglabas na ang Malabon Metropolitan Trial Court Branch 20 at 26 ng tig-isang warrant of arrest laban kay Gaza dahil sa kasong paglabag sa Anti-Bouncing Checks Law.

Ayon sa mga nabiktima ni Gaza na sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz, inutangan umano sila ni Gaza para sa kanyang negosyong coffee shop.

Sa una ay sumipot si Gaza nang idulog na ng dalawa ang kaso sa korte. Ngunit pagkatapos nito ay hindi na siya nagpakita kaya naman inisyuhan na ito ng warrant of arrest.

Samantala, sa social media ni Gaza ay makikitang ipinagkikibit-balikat lamang niya ito.

Sa isang litrato ay ginaya ni Gaza ang bahagi ng speech ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos niya itong lagyang ng “I. Am. Sorry” caption.

Nagpalit rin si Gaza ng kanyang profile picture kung saan ang caption ay, “Xian Gaza, 24, Filipino, Single, WANTED.”

Nagpost rin siya ng video habang kumakanta na ang caption naman ay “Kanta muna bago makulong.”

Matatandaang sumikat si Gaza matapos nitong yayain sa date si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard invitation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.