3 katao kasama ang 2 retiradong opisyal, patay sa pamamaril sa Negros Occidental

By Rohanisa Abbas April 10, 2018 - 11:14 AM

Natapos ang buhay ng isang retiradong pulis, isang retiradong sundalo at isang sibilyan matapos dumalo sa lamay ng kanilang kamag-anak kung saan sila pinagbabaril sa Isabela, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawi na sina retired Army soldier Jose Jurito Amable, retired police officer Alejandro Borez at Frederic Bitgue.

Ayon kay Chief Inspector Ruben Pajarito, hepe ng Isabela Police, pinagbabaril ng suspek na sakay ng motorsiklo ang mga biktima sa Barangay Bulad kagabi.

Sugatan naman sa insidente ang dalawa katao.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng caliber 45 na baril at 9mm pistol.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril.

TAGS: Barangay Bulad, Isabela Police, Shooting Incident, Barangay Bulad, Isabela Police, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.