WATCH: Pagnanakaw ng isang lalaki sa cellphone ng kaniyang kaibigan, huli sa CCTV

By Justinne Punsalang April 10, 2018 - 10:24 AM

Nahuli sa CCTV ng isang computer shop sa Malibay, Pasay City ang pagnanakaw ng isang lalaki matapos nitong kuhanin ang cellphone ng kanyang kaibigan.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Ty, 19 taong gulang, at mula pa sa Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa biktimang si Julius Fontanilla, nagkakilala lamang sila ni Ty sa computer shop at naging magkaibigan dahil sa parehong interes sa paglalaro ng computer games.

Aniya, hindi niya napansin na nahulog pala mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng ₱19,000.

At pagkauwi na niya ay doon na niya napansin na wala pala ito.

Kaya naman ni-review ng biktima ang CCTV footage sa computer shop, at doon nakita na ang kanyang naging kaibigan ang nakapulot at hindi na nagbalik ng kanyang cellphone.

Sa kuha ng CCTV, matapos ang insidente ay umalis agad si Ty ng computer shop.

Nang maaresto hindi na narekober ang cellphone ng biktima. Nakuha naman mula sa suspek ang ilang mga damit na mayroon pang security sensor.

Mahaharap si Ty sa kasong theft at kasalukuyan itong nakapiit sa detention facility ng Pasay City Police.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cctv, cellphone, Pasay City Police, Radyo Inquirer, theft, cctv, cellphone, Pasay City Police, Radyo Inquirer, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.