Residential area sa Valenzuela City, nasunog

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 09, 2018 - 07:15 AM

CREDIT: Metro Manila Fire Alert

Tinupok ng apoy ang residential area sa Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 ng umaga sa Mindanao Street, Barangay Ugong sa nasabing lungsod.

Makalipas ang ilang minuto ay agad itinaas ng Valenzuela City Fire Department sa ikalawang alarma ang sunog.

Kabilang sa nasunog ang isang junk shop at katabi nitong palatehan.

Alas 6:07 naman ng umaga nang ideklara na itong fire under control.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa BFP, tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, Valenzuela City, fire incident, Radyo Inquirer, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.