Pagdadausan ng peace talks hindi pa tiyak

By Chona Yu April 08, 2018 - 07:17 PM

Naghihintay pa ang Government Peace Panel kung saang lugar gagawin ang peace talks kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Government Chief Negotiator Silvestro Bello III na wala pang abiso ang gobyerno ng Norway, na nagsisilbing facilitator, kung saan gaganapin ang muling paghaharap ng gobyerno at ng mga kinatawan ng NDFP.

Maaari aniyang sa Norway o sa the Netherlands gagawin ang pag-uusap.

Sa ngayon, parehong panel of consultants pa rin ang kasama sa peace talks gaya halimbawa ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Nakatitiyak si Bello na ang chairman ng NDFP ang maghahagilap sa mag-asawang Tiamzon na hindi na makontak ng mga otoridad matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong Nobyembre 2017.

TAGS: ndfp, peace talks, ndfp, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.