Marching order ni Pang. Duterte kay Incoming CPNP Albayalde, tutukan ang war on drugs

By Chona Yu April 08, 2018 - 12:42 PM

Inquirer file photo

Tutukan ang war on drugs.

Ito ang naging marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Albayalde na adbokasiya kasi ng pangulo at pinangako sa taong bayan na bibigyang solusyon ang problema sa ilegal na droga.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PNP sa local government units (LGUs) para sa isa pang utos ng pangulo na luwagan ang pagpapatayo ng mga kulungan pati na ang pagpapakain sa mga bilanggo.

Hindi maikakaila na maraming bilanggo na ang namatay dahil sa siksikan sa mga kulungan.

TAGS: Director Oscar Albayalde, kulungan, PNP, War on drugs, Director Oscar Albayalde, kulungan, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.