Dalawang umano’y bugaw, arestado sa Cebu

By Ricky Brozas April 08, 2018 - 11:59 AM SHARE(S):

Arestado ng mga otoridad ang dalawang sinasabing “bugaw” ng mga babae habang nailigtas naman ang tatlo sa umano’y biktima ng mga ito sa Lapu-lapu, Cebu.

Nabatid na pawang mga banyaga umano ang kadalasang kliyente ng mga suspek.

Ayon kay Chief Inspector Mark Gifter Sucalit, hepe ng Lapu-Lapu police Intelligence, bagaman nasa wastong gulang na ang tatlong nasagip na biktima ay kailangan pa rin nilang sampahan ng kaso ang dalawang bugaw na madalas mag-operate sa bahagi ng Baranagay Gun-ob.

Paglabag ng Anti-Trafficking Act ang kahaharapin ng mga naarestong bugaw.

TAGS: bugaw, cebu, Chief Inspector Mark Gifter Sucalit, Lapu-lapu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.