Batas, kailangan para mawakasan ang endo ayon kay Sen. Villanueva

By Jan Escosio April 03, 2018 - 09:04 PM

Kinatigan ni Sen. Joel Villanueva ang pahayag ng Malakanyang na isang batas ang talagang kailangan para matapos na ang kontrakuwalisasyon sa mga manggagawa.

Sinabi ni Villanueva, Chair ng Senate Committee on Labor, na nasa final stage na sila sa paghahanda ng kanyang committee report para maisalang na ito sa plenaryo.

Ibinahagi nito na bagamat dumalo ang mga opisyal ng DOLE sa ilan sa kanilang mga pagdinig, hindi naman naging malinaw ang posisyon ng labor officials ukol sa isyu.

Gayunpaman, pagaaralan nila ang ilalabas na executive order ng Malakanyang dahil maaring laman na nito ang malinaw na panuntunan hinggil sa contratualization system sa sektor ng pagtatrabaho.

Giit ni Villanueva nais lang nilang masiguro na ang anumang panukalang batas na ibubunga ng mga isinagawang pagdinig ay magiging epektibo at maipapatupad.

TAGS: endo, Joel Villanueva, endo, Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.