Dating Sen. Marcos, duda sa pag-atras ng mga revisor ng PET

By Alvin Barcelona April 03, 2018 - 08:58 PM

Nagpahayag ng pagka-sorpresa at pag-aalala si dating senador at talunang Vice Presidential Candidate Bongbong Marcos sa pag-atras ng apat na revisor ng Presidential Electoral Tribunal (PET) nang walang malinaw na dahilan.

Kaugnay nito, umaasa si Marcos na hindi ito magreresulta sa panibagong serye ng pagka-antala lalo’t naumpisahan na nilang mailabas ang mga senyales ng pandaraya sa nakaraang eleksyon.

Hindi aniya mga ordinaryong revisor ang mga nagsiatras dahil dumaan ang mga ito sa mahigpit na psychological test at masusing screening ng PET.

Mayroon aniyang mabigat na dahilan ang mga revisor para umatras at isa siya sa gusto itong malaman.

TAGS: bongbong marcos, pet, bongbong marcos, pet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.