Tricycle driver patay sa pamamaril sa Maynila

By Justinne Punsalang April 03, 2018 - 06:38 AM

Dead on arrival na sa ospital ang isang lalaki matapos itong barilin sa ulo sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Gilbert Pasuelo, 31 taong gulang at isang tricycle driver.

Ayon sa isang residente na nakakita sa insidente, dating karelasyon ng kinakasama ni Pasuelo ang bumaril dito.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang ang love triangle.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, habang tinutugis na nila ang suspek.

TAGS: Pamamaril, Parola Compound, Tondo. Maynila, Pamamaril, Parola Compound, Tondo. Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.