Dalawang lalaki arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig City

By Justinne Punsalang April 03, 2018 - 06:36 AM

Timbog ang dalawang lalaki matapos magkasa ng magkahiwalay na operasyon ang mga otoridad sa Pasig City.

Nakilala ang unang naaresto na si Jerick Cotomora sa Barangay Malinao matapos makatanggap ng tawag ang mga pulis na naggugulo umano ito sa lugar.

Nang maaresto at kapkapan ay doon na narekober ng mga otoridad ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sunod namang naaresto si Felipe Saballa sa Barangay Pinagbuhatan sa pamamagitan ng isang buy bust operation.

Kapwa mahaharap sina Cotomora at Saballa sa kasong paglabag sa Repbulic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, drugs, Pasig City, shabu, buy bust, drugs, Pasig City, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.