Daloy ng trapiko sa NLEX at SLEX parehong magaan

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 04:23 AM

Courtesy: NLEX Corp.

Makalipas ang paggunita sa Semana Santa ay magaan na ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Sa latest update ng NLEX bandang alas-3:28 ng madaling araw, tanging sa southbound lane ng Balintawak papuntang EDSA na lamang mabagal ang takbo ng mga sasakyan. Ang dulo nito ay nasa Camachile southbound.

Habang light lamang ang traffic sa Bocaue Toll Plaza southbound.

Naging mabagal rin ang takbo ng mga sasakyan sa San Fernando Toll Plaza southbound kaninang ala-1:45 ng madaling araw ngunit ito ay dahil sa saing aksidente.

Para naman sa SLEX as of 4:16 ng madaling araw ay magaan na ang daloy ng trapiko sa north- at southbound lane ng Alabang Viaduct, Ayala Toll Plaza, at Calamba.

Paalala pa rin ng mga otoridad sa mga uuwi at babalik ng Kalakhang Maynila, tiyaking nasa ayos ang BLOWBAG o Brake, Lights, Oil, Water, Battery, Air Pressure, at Gas.

TAGS: NLEX, Semana Santa, SLex, traffic, NLEX, Semana Santa, SLex, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.