Erich at Enchong ipinagdiwang ang pagkakaibigan sa Paris

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 02:42 AM

Erich Gonzales Instagram

Pinakilig ng mga Kapamilya stars na sina Erich Gonzales at Enchong Dee ang kanilang mga fans matapos nilang mag-post ng litrato habang nasa Paris, France.

Bagaman maraming nagkomento at nagtanong kung magkasintahan ba ang dalawa ay sinabi naman ng mga ito na isang pagdiriwang ng kanilang pagkakaibigan ang kanilang pagpunta sa France.

Makikita sa post nina Erich at Enchong ang ilang mga litrato sa harap ng Eiffel Tower.

Nasa Paris ang dalawa para sa kanilang “Kapamilya Fiesta World” show kasama ang iba pang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascua, Maja Salvador, at Arci Muñoz.

Sa ngayon ay kapwa single sina Erich at Enchong, bagaman inamin ng aktres na mayroon siyang masugid na manliligaw na isang businessman.

TAGS: Eiffel Tower, Enchong Dee, erich gonzales, Paris, Eiffel Tower, Enchong Dee, erich gonzales, Paris

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.