Walo patay sa suicide attack sa Libya

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 30, 2018 - 10:24 AM

Patay ang walong katao sa suicide car bombing na naganap sa eastern Libya.

Ayon sa local securoty forces sa Ajdabiya, Libya, isang suicide attacker ang nagpasabog ng sasakyan sa barikada na binabantayan ng Libyan forces.

Nangyari ang pag-atake malapit sa lungsod ng Ajdabiya na 840 kilometers ang layo sa Tripoli.

Maliban sa walong nasawi, walong iba pa ang nasugatan sa insidente.

Wala pang grupong umaako sa pag-atake.

Noon lamang March 9, may naganap ding suicide attack sa lugar kung saan tatlo ang nasugatan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: libya, Radyo Inquirer, Suicide Attack, libya, Radyo Inquirer, Suicide Attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.