Mga gumagawa, nag-iimport at nagbebenta ng pekeng gamot, ipinaaaresto ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 28, 2018 - 12:45 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police chief director general Ronald Dela Rosa na arestuhin ang mga gumagawa, nagbebenta, at nag-iimport ng mga pekeng gamot.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang utos sa gitna na rin ng babala ng Food and Drugs Administration na nagkalat sa merkado ang mga pekeng paracetamol at iba pang gamot.

Kasabay nito, pinakakasuhan din ng pangulo ng economic sabotage ang mga sangkot sa pekeng droga.

Paliwanag ni Panelo hindi lang nakasisira sa ekonomiya kundi nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng mga Filipino ang mga pekeng gamot.

 

 

 

 

 

TAGS: drugs, fake medecine, panelo, Radyo Inquirer, drugs, fake medecine, panelo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.