WATCH: 2 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan sa NLEX-Mabalacat

By Mark Makalalad March 28, 2018 - 10:38 AM

Sugatan ang dalawang katao sa karambola ang walong sasakyan sa may kahabaan ng NLEX-Mabalacat Northbound.

Ayon kay Robin Ignacio, traffic management head ng NLEX, naganap ang aksidente pasado alas-8:00 ng umaga. Nabatid na bago pumasok ng SCTEX, biglang nag-slow down ang isang Toyota Vios dahilan para magkaroon ng ‘domino effect’ o madiksaril ang 7 iba pang mga sasakyan na kasunod nito.

Agad na nilapatan ng lunas ang mga sugatan na lulan ng Adventure at mini-truck na nagtamo ng minor injuries.

Dahil sa aksidente, bahagyang nagkaroon ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa NLEX.

Naibalik naman sa normal ang byahe ng mga sasakyan matapos ang ilang minuto nang maitabi na ang mga sasakyan na nagkarambola.

TAGS: accident, mabalacat, NLEX, Pampanga, Radyo Inquirer, accident, mabalacat, NLEX, Pampanga, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.