SUV tumagilid matapos mabangga ng truck sa EDSA

By Justinne Punsalang March 27, 2018 - 07:25 AM

Kuha John Abela

Sugatan ang dalawang katao matapos magkasalpukan ang isang itim na Montero Sport at isang elf truck sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Muñoz sa Quezon City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Invincion Basco, mabilis ang takbo ng elf truck sa EDSA habang paliko naman sa u-turn slot ang Montero Sport.

Dahil sa bilis ng takbo ng truck ay hindi na ito nakapagpreno pa at nabangga sa likod ang Montero.

Sa lakas ng impact ay tumagilid ang SUV.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente at mabilis na kumilos ang MMDA upang maalis sa pagkakahambalang ang Montero at matanggal ang mga nagkalat na bubog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, edsa, suv, accident, edsa, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.