Dalawa na ang patay sa sunog sa Taguig

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Mark Makalalad March 26, 2018 - 11:15 AM

Umakyat na sa dalawa ang nasawi sa sunog na naganap sa Western Bicutan sa Taguig City kahapon.

Ayon sa Taguig City Bureau of Fire, unang natagpuan ang mga labi ni Ramona Palima na nabigong makalabas sa nasusunog nilang bahay.

Matapos ito ay natagpuan naman ang katawan ng isang 62 anyos na si Marylin Talon.

Samantala, isang 57 anyos pa na babae ang sinasabing nasawi rin pero bineberipika pa ito ng mga otoridad.

Naganap ang sunog alas 3:23 ng hapon kahapon araw ng Linggo sa TUP compound at umabot sa ikalimang alarma.

Sa bahay ng isang Alma Santillan nagmula ang apoy na mabilis kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa 600 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing insidente na pawang nagpalipas ng oras sa isang covered court at isang eskwelahan.

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, Taguig City, western bicutan, fire incident, Radyo Inquirer, Taguig City, western bicutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.