1 ang patay sa sunog sa Western Bicutan, Taguig

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 26, 2018 - 06:58 AM

Isa ang nasawi sa sunog na naganap sa Western Bicutan sa Taguig City.

Nasawi ang isang residente sa lugar na si Ramona Palima makaraang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay.

Naganap ang sunog alas 3:23 ng hapon kahapon araw ng Linggo sa TUP compound at umabot sa ikalimang alarma.

Sa bahay ng isang Alma Santillan nagmula ang apoy na mabilis kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa 600 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing insidente na pawang nagpalipas ng oras sa isang covered court at isang eskwelahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, metro news, Radyo Inquirer, Taguig City, western bicutan, fire incident, metro news, Radyo Inquirer, Taguig City, western bicutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.