37 patay, 69 pa ang nawawala sa sunog sa isang mall sa Russia

March 26, 2018 - 06:45 AM

Photo from Russian Emergency Fire Ministry

37 katao ang nasawi kabilang ang 11 mga bata makaraang masunog ang isang shopping mall sa Kemerovo city sa Russia.

Ayon sa Russian Investigative committee, inaalam pa kung saan nagsimula ang sunog, pero may mga ulat na sa children’s playground nagsimula ang apoy makaraang isang bata ang naglaro ng lighter at inapuyan ang trampoline.

Nagdulot ng panic sa mga taong nasa loob ng mall ang nasabing sunog at marami ang nag-post sa social media na wala silang narinig na fire alarms o loudspeaker warnigns.

Nagsimula ang sunog linggo ng tanghali oras sa Russia at naapula makalipas ang labingdalawang oras.

Malliban sa mga nasawi, 43 katao ang naitalang sugatan habang 69 na katao pa ang nawawala kabilang ang 40 mga bata.

Kasama sa mga batang nabiktima ang mga estudyante sa isang eskwelahan na noon ay nasa field trip kasama ang kanilang guro para manood ng cartoon show sa mall.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, mall, Russia, fire incident, mall, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.