Magnolia at San Miguel, 1-1 sa Philippine Cup Finals

By Jay Dones March 26, 2018 - 12:32 AM

 

Tabla na sa standing na 1-1 ang Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen sa Finals ng PBA Philippine Cup matapos magwagi ang huli sa kanilang tapatan kagabi sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Coach Leo Austria, natuto na sila noong naunang laban kung saan nasayang ang kanilang malaking lamang at tuluyang matalo pa ng kalaban.

Kanya aniyang nakita na sadyang ayaw nang magpatalo ng kanyang mga manlalaro kaya’t nagpursigi nang todo ang mga ito.

Si Arwind Santos ay nagbigay ng kabuuang 24 na puntos, walong rebounds at dalawang blocks samantalang si Marcio Lassiter ay nakakuha ng 16 points.

Labinlimang puntos naman ang naiambag ni Alex Cabagnot na sinundan ni June Mar Fajardo na may 12 puntos.

Dahil sa Semana Santa, sa Easter Sunday na gagawin ang Game 3 sa Smart Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.