Dalawang sunog, halos magkasunod na naganap sa Taguig

By Jay Dones March 25, 2018 - 11:09 PM

 

Dalawang magkahiwalay na insdiente ng sunog ang naganap sa Lungsod ng Taguig Linggo ng hapon.

Sa unang insidente, hindi bababa sa dalawandaang bahay ang naapektuhan ng sunog sa Western Bicutan sa Taguig.

Naganap ang malaking sunog sa residential area sa TUP compound, Sta. Maria Drive sa Western Bicutan.

Umabot sa fifth alarm ang naturang insidente. na nagsimula dakong alas 3:23 ng hapon ng Linggo.

Gawa sa light materials ang mga establisimiyentong tinupok ng apoy.

Tinatayang nasa 400 pamilya ang nawalan ng tahanan sanhi ng insidente.

Samantala, pasado alas-sais ng gabi, isa namang bodega sa loob ng TBCAI compound sa Bgy. Bagumbayan ang nasunog rin sa naturang Lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.