Halos 100 pamilya, nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila

By Jay Dones March 25, 2018 - 08:28 PM

 

Hindi bababa sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang kanilang lugar sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog dakong alas-dos ng hapon sa panulukan ng Bambang at Lubiran st., na umubos sa mga tahanan at mga establisimiyento sa lugar.

Umabot sa third alarm ang sunog bago ganap na naapula pasado alas-3:30 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Hinihinalang nagmula ang sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa lugar na gawa sa light materials na mabilis na kumalat sa nasa 30 pang bahay sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.