High school principal, patay sa pananambang sa Nueva Vizcaya

By Chona Yu March 25, 2018 - 07:18 PM

 

Patay ang isang pubic high school principal matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Elmar Balallo, 48 anyos at principal ng Quezon National High School.

Ayon kay Chief Inspector Jenefer Flores, hepe ng Quezon police, kagagaling lamang sa programa sa eskwelahan at naglalakad ang biktima patungo sa kanyang nakaparadang motorsiklo nang lapitan ng nag iisang suspek at paputukan ng apat na beses sa dibdib.

Sinabi pa ni Flores na naood muna ng programa ang suspek bago isinagawa ang pagpatay sa principal.

Ayon kay Flores, patunay ito na isang professional killer ang suspek.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo ng pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.