Dalawang terorista sa Libya, patay sa airstrike ng US

By Rod Lagusad March 25, 2018 - 08:49 AM

Patay ang dalawang terorista sa lungsod ng Ubari sa Libya matapos ang isinagawang airstrike ng US ayon sa US Africa Command.

Ayon sa inilabas na pahayag, ang naturang strike ay may koordinasyon sa internationally recognized na Government of National Accord sa Tripoli.

Partikular na tinamaan ng strike ang isang bahay sa Fursan kung saan dalawang bangkay ang natagpuan.

Ayon sa isang saksi madalas na makita sa naturang bahay ay mga banyaga.

Sa kasalukyan ay wala pa silang naitatalang sibilyan na nadamay sa airstike.

Sa mga nagdaang taon ay ilang beses na rin nagsasagawa ng occasional air strike ang US sa Libya.

TAGS: airstrike, libya, US, airstrike, libya, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.