Beteranong aktres na si Mely Tagasa a.k.a Miss Tapia, pumanaw na

By Mark Gene Makalalad March 24, 2018 - 06:42 AM

Sumakabilang buhay na ang beteranang actress na si Mely Tagasa o mas kilala bilang Miss Tapia sa edad na 82.

Base sa facebook post ng kanyang mga kaanak at mahal sa buhay, kanilang kinumpirma ang pagpanaw ng aktres matapos ma-comatose sa Cardinal Santos Medical Center.

Nagpasalamat naman ang kanyang anak na si Gina Tagasa sa mga nagdasal para sa kanyang ina mula sa mga kakilala, kaibigan, at mga tagahanga ng paboritong karakter nito noon sa telebisyon.

Nabatid na nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika-83 kaarawan ang aktres sa Abril 16.

Si Mely ay nakilala dahil sa kanyang pagganap bilang Miss Tapia, ang terror na teacher, sa sitcom na Iskul Bukol na pinagbidahan nina Tito, Vic & Joey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.